Natapos ang unang pagdinig ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands sa kasong crimes on humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi na nakadalo ng personal ang 79-anyos na dating pangulo kaya pinayagan na lamang ito sa pamamagitan ng video link.
Umabot sa mahigit 35 minuto ang pagdinig kung saan tumayo bilang abogado ni Duterte si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sinabi ni Presiding Judge Iulia Motoc, na dahil sa confirmation hearing lamang ito kaya hindi nila pinayagan ang mosyon ng kampo ni Duterte na kung maari iurong ito sa susunod na linggo.
Iginiit ni Medialdea na dapat ay nabigyan sila ng sapat na oras para ipaliwanag sa dating pangulo ang mga proseso ng pagdinig subalit ibinasura ito ng ICC.
Ibinahagi din ni Medialdea na hindi makatarungan ang naging pag-aresto ng ICC sa dating pangulo.
Itinakda ng ICC ang susunod na pagdinig sa darating na Setyembre 23, 2025 para makapaghandang mabuti ang kampo ng dating pangulo.