-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa 502 o 15.97% na mga health care workers ang naturukan ng bakuna sa unang araw na roll out laban sa coronavirus disease sa lungsod.

Binubuo ito sa 141 sa St Elizabeth hospital habang dalawa ang deffered 70 naman sa Dr Jeorge P. Royeca hospital dalawa din ang defferred dahil may sipon.

Sa SocSarGen hospital 80 ang naturukan ng bakuna at dalawa din ang deffered. Sa Gensan Doctors hospital 75 ang nabigyan ng bakuna at Gensan Medical center 66 at dalawa ang deffered.

Sa pangkalahatan lima ang nagkaruon ng minor adverse na posebling madadagan pa bago matapos ang vaccination program .

Una ng sinabi ni Dr Rocelle Oco, City Health Officer dito sa lungsod na target ubusin ang 3,138 Sinovac vaccine na bigay ng gobyerno bago ang araw ng linggo.