-- Advertisements --

usmarines1

Nakumpleto na ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps ang unang bahagi ng kanilang pagsasanay na bahagi ng PH-US Marine Aviation Support Activity 2022 o MASA 22.

Ang unang bahagi ng pagsasanay ay isinagawa sa Laoag City, Ilocos Norte at Puerto Princesa City, Palawan mula nuong June 6 hanggang June 16,2022.

Ayon kay BGen. Raul Jesus Caldez PN(M), Deputy Commandant PMC at MASA 22 Exercise Director, na layon ng nasabing joint military exercises na mapahusay pa ang kapabilidad ng Philippine Marine Corps kasama ang Philippine Navy at Air Force assets bilang bahagi ng “national maneuver amphibious force”.

Tampok sa unang bahagi ng pagsasanay ang Combined and Joint Forward Arming and Refueling, High Mobility Artillery Rocket System Rapid Infiltration, at Unmanned Aviation Systems.

Ang ikalawang bahagi ng pagsasanay ay isasagawa naman mula Julyo 18 hanggang 22, 2022 sa Naval Station Leovigildo Gantioqui, Zambales; Fort Magsaysay, Nueva Ecija; at PMC headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Itatampok naman dito ang Heliborne Operations, Airborne Operations, at Aeromedical Evacuations