Natanggap na ng Land Transportation Office (LTO) ang unang batch ng nasa 5,000 plastic license cards mula sa bagong kontraktor nito kahapon, Hulyo 25.
Ang 5,000 license cards ay unang batch mula sa 1 million cards mula sa bagong kontraktor na Banner Plastic Card Inc., ang kontraktor din sa likod ng Visa debits card ng bangko na pinapatakbo ng gobyerno.
Kabilang sa mga opisyal na present at tumanggap ng license cards ay sina Transportation Secretary Jaime Bautista at bagong LTO chief Vigor Mendoza II.
Dahil dito inaasahan ni Bautista na masosolusyunan na ang problema sa lisensiya at plaka sa loob ng taong ito.
Una ng kinumpirma ni Transport Secretary Bautista na nilagdaan na ng DOTr ang proyekto sa Banner Plastic Card Inc.
Sa kasalukuyan mayroon pang backlog amg LTO na 690,000 driver’s license.
Pinalawig naman ng LTO ang bisa ng driver’s license na nakatakdang magpaso noong Abril 24 hanggang Oktubre 21 pa ng kasalukuyang taon.