-- Advertisements --
image 405

Nakarating na sa bansa ngayong araw ang labing pitong Filipino evacuees na naipit sa kaguluhan sa Sudan, sila ang unang batch na nakauwi sa Pilipinas.

Ang walo ay mga hotel workers ng Sudan na sumakay sa military evacuation flight samantalang ang siyam naman ay mga Overseas Filipino Workers na mula sa Khartoum ay sumakay sa Port Sudan saka naman sumama sa C130 plane ng Saudi Royal Air Force.

“The Embassy received the group in Athens on the morning of April 28, 2023, Friday, and afterwards immediately arranged for their flight back to the Philippines through the DFA’s Assistance-to-Nationals Fund,” ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs.

Ang OWWA ay nagbigay ng repatriation tickets para sa walong evacuees na OFW.

Samantala, asahan naman na mayroon pang 45 na mga OFW ang maililikas papuntang Saudi Arabia kung saan ang Philippine Consulate General sa Jeddah ay handang magbigay ng suporta.

“The Philippine government is working round-the-clock to assist our kababayans who have left Sudan,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Nasa kabuoang 610 na mga Pilipino ang nakalikas na mula sa Khartoum.