-- Advertisements --
Hindi bababa sa 12,000 metric tons ng imported na bigas ang dumating na sa bansa na unang batch ng import para sa staple food ngayong taong 2023, ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Ayon sa naturang ahensya, umabot sa 3.8 million metric tons ang kabuuang imported na butil ng bigas noong 2022.
Base sa kanilang datos at report, hindi bababa sa 6,500 metriko tonelada ng mga imported na butil ng bigas ang nagmula sa Thailand at 5,917 metriko tonelada ay mula naman sa Vietnam.
Dagdag dito, ang mga fresh rice import ay sakop ng hindi bababa sa siyam na sanitary at phytosanitary import clearances (SPSICs).
Una na rito, target ng Department of Agriculture ang 20million metrikong toneladang produksyon ng lokal na palay para sa taong 2023.