KALIBO, Aklan – Nakauwi na sa Wuhan, China ang unang batch ng mga Chinese tourist na nagbakasyon sa isla ng Boracay.
Dakong alas-8:40 nitong Biyernes ng gabi ay nakabiyahe na ang mga turista sakay ng Royal Air Philippines.
Ang susunod na batch ay naka-schedule ngayong Sabado ng gabi at sa Lunes.
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dalawang airline companies ang naghanda ng apat na flights upang mapauwi ang mga turistang Chinese na dumating sa Kalibo International Airport sakay ng direct flight galing Wuhan City.
Karamihan sa mga ito ay pinatanagdiwang ng Chinese New Year sa isla.
Nabatid na 135 Chinese pa ang dumating sa paliparan ng Kalibo noong Huwebes ng umaga bago ipatupad ang lockdown sa nasabing lungsod dahil sa 2019 novel coronavirus scare sa China.
Ang Pan Pacific Airlines at Royal Air Philippines ay kapwa may direktang flights sa Wuhan City sa Kalibo airport.