Matagumpay na naihatid ng PNP at AFP sa mga nakatakdang destinasyon ang unang batch ng bakuna ng Sinovac na dumating sa bansa.
Ayon kay DILG Officer In Charge, Undersecretary Bernardo Florece, na ang unang batch na 600,000 “dose” ay sa Metro Manila lang inisyal na ipinikalat.
Nasa 800 “dose” naman ang alokasyon sa PNP.
Sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 10 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, na as of 12:55 PM, ay 47 health workers ng PNP ang nabakunahan.
Sa ngayon aniya ay ang PNP General Hospital ang tanging vaccination Center ng PNP, pero sa mga susunod na batch, kinukunsidera ng PNP ang pagkakaroon ng walo pang karagdagang vaccination centers sa Metro Manila.