Inanunsiyo na ng organizers ng Metro Manila Film Festivals ang ilang mga pelikula na kalahok ngayong taon. Nanguna ang action-drama na “The Kingdom” na pinagbibidahan ni Vic Sotto.
Ito ang unang pagsabak ng actor sa MMFF matapos ang limang taon ang huli ay noong 2019 na “Mission Unstapabol: The Don Identity” kasama noon si Maine Mendoza.
Pangalawa ay ang pelikulang “And The Breadwinner Is” na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Eugene Domingo at Jhong Hilario.
Kasama rin ang pelikulang “Himala: isang Musical: na pabibidahan ni Aicelle Santos habang at ang dalawang pelikula na kasama ay ang “Green Bones” na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Dennis Trillo at ang pang huli ay ang “Strange Frequencies: Haunted Hospital” na pinagbibidahan nina Jane De Leon at Enrique Gil.
Ayon kay Metro Manila Development Authority Chairman Romando Artes na mayroong 39 scripts ang isinumite sa kanila at dahil ika-50 taon ngayong taon ay nagpasya sila na gawing 10 na ang pelikulang kalahok kumpara noong nakaraang taon na walo lamang.
Noong nakaraang taon kasi ay mayroong kabuuang kita na P1,069 bilyon ang 10 pelikula na nahigitan ang record noong 2018.