-- Advertisements --

Asahan pa ang pagdating ng mga Filipino na makakauwi mula sa Gaza dahil sa kaguluhang sa pagitng ng Israel at grupong Hamas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs na ang mayroon pang ibang mga batch ang inaasahan na darating.

Nitong Biyernes kasi ay dumating sa bansa ang 34 na Filipinos at isang Palestinian national kung saan isa rin na dumating ang overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na mayroong malaking financial assistance na matatanggap ang mga umuwing Pinoy na tig-$1,000 sa bawat isa.

Hindi aniya mananatili ang mga ito sa bansa dahil babalik din sila kapag natapos na umano ang kaguluhan sa lugar.

Ang mga repatriates ay bahagi ng 40 na mga Filipino na nakatawid sa Gaza-Egypt border subalit ang anim na mga Filipinos ay naiwan sa Cairo, Egypt dahil sa may mga asawa na sila na Egyptian national.

Patuloy ang paghihikayat ng DFA sa mga Filipinos na nasa Gaza na samantalahin ang repatriation program ng gobyerno.