Nakarating na sa Australia ang unang batch ng mga sundalong lalahok sa Pitch Black Military Exercise 2024.
Ang mga ito ay bahagi ng Philippine Air Force na ipinadala para sa kinikilalang pinakamalaking Australlian military exercises.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, susunod sa kanila ang iba pang mga miyembro ng PAF anumang araw ngayong linggo.
Ang mga sundalong Pinoy ay unang inihatid ng Royal Australian Air Force sa kanilang base, sakay ng KC-30 aircraft.
Ang mga gamit ng mga ito ay isinakay naman ng C-130 aircraft ng Royal Australian Air Force kasama ang C-295 aircraft ng PAF.
Magsisimula ang military execises sa July 12 at magtatagal hanggang August2, 2024.
Kabilang sa mga isasagawang pagsasanay at simulation ay ang wide range tactical flying at large scale operational collective training activities kung saan ipapadala ng Pilipinas ang mga FA-50 fighter jet nito.
Ito ang kauna-unahang paglahok ng mga naturang fighter jets sa international excercises.