-- Advertisements --
Dumating na ang unang batch ng Sputnik V vaccine sa Syria.
Sinabi ni Syrian Ambassador to Moscow Riyad Haddad na ang unang batch ng bakuna ng Russia ay gagamitin sa mga doctors at mga matataas na opisyal ng bansa.
Hindi naman nito binanggit kung ilang doses ng nasabing bakuna ang dumating sa kanilang bansa.
Paglilinaw din nito na hindi magpapaturok ng Sputnik V vaccine si Syrian President President Bashar Al-Assad dahil mayroon n itong mataas na anti-body count at hindi na kailangan na siya pa ay mabakunahan.
Mayroong ilang libong sundalo ang Russia sa Syria kung saan tinutulungan nila si President Assad para mapanatili sa puwesto.