BAGUIO CITY – Pinadala na ng Department of Social and Welfare and Development (DSWD)-Cordillera ang unang 3,000 family foodpacks para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay DSWD-Cordillera regional director Leo Quintilla, sinabi niya na laman ng dalawang trucks ng ahensia ang unang batch ng relief goods, kasama na ang mga sleeping kits at non-food items para sa mga nangangailangang kababayan.
Bahagi aniya ito ng inter-operabilty ng DSWD-Cordillera para matulongan ang mga nangangailangan kung saan tutulong ang DSWD-Calabarzon sa pamamahagi ng mga nasabing tulong.
Sa ngayon, nag-iinventory muli ang kanilang ahensiya para sa karagdagang tulong na sunod na ipapadala sa mga biktima.
Samantala, tumatanggap aniya ang kanilang ahensiya sa mga tulong o donasyon mula sa mga taga-Cordillera.
Iniapela pa nito sa mga magdo-donate ng damit para iwasan ang pagbibigay ng mga hindi naangkop na damit kasunod ng mga nag-viral na mga larawan sa social media ng mga tumanggap ng donated clothes kung saan kasama ang ibat-ibang uniporme.
Patuloy din ang pagbigay ng mga taga-Benguet, Mountain Province at Ifugao ng mga tone-toneladang gulay at mga in-kind na donations para sa mga biktima ng pagsabong ng Taal Volcano kung saan ipinapamahagi ang mga ito sa ibat-ibang lugar na apektado sa nasabing kalamidad.