-- Advertisements --
Sisimulan ni US President Joe Biden ang kaniyang kauna-unahang pagbiyahe sa ibang bansa pagdating ng buwan ng Hunyo.
Sinabi nito na dadalo siya sa G7 summit sa southwestern England at diplomatic meetings naman sa Brussels.
Dahil sa patuloy ang ginagawang pagpapabakuna sa US ay naiplano na ng kampo ng US president ang pagbiyahe sa ibang bansa.
Magiging host si British Prime Minister Boris Johnson ng G7 Summit na gaganapin sa Cornish coast.
Ito ang magiging kauna-unahang personal na makakaharap ni Biden ang ilang iba’t -ibang lider ng bansa.
Dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic ay kadalasan sa telepono at mga video conference lamang isinasagawa ang mga pagpupulong.