BUTUAN CITY – Nagnegatibo na sa follow-up test ang unang COVID-19 patient nitong rehiyon ng Caraga base na sa ipinalabas na resulta ng Southern Philippines Medical Center kasama ang apat na iba pang mga ‘Patients Under investigation’ o PUIs.
Ngunit nilinaw ni Dr, Jose Llacuna Jr., regional director ng Department of Health (DOH) Caraga na hindi pa madi-discharge mula sa ospital ang nasabing mga PUIs dahil kailangang dalawang mga negative results ang kanilang makukuha iba pa sa paborableng clinical assessment ng kanilang attending physician.
Kaugnay sa patuloy na monitoring sa COVID-19 cases nitong rehiyon, pinuri ni Llacuna ang mga level 2 hospitals nitong rehiyon ma-pribado man o pampubliko dahil sa pagtanggap nila ng mga PUIs.
Samantala kaugnay sa bagong classifications ngayon sa nakamamatay na virus, inihayag ng opisyal na hiniling na nila ang mga local government units na ituloy ang kanilang monitoring at pag-report sa mga suspected PUMs at PUIs hanggang sa matapos na ang kanilang quarantine period.