BUTUAN CITY – Ibinunyag sa Department of Health o DOH CHD Caraga ang unang napatay dahil sa COVID-19 sa rehiyon. Ito ay ang kaso sa 55-anyos na lalaki galing sa Butuan City kung saan nakaranas ng simtomas noon pang Hulyo 3, 2020 gaya ng ubo, sipon, sore throat, lagnat at giniginaw.
Dahil walang palatandaan sa development, na-admit ang pasyente sa health facility noong Hulyo 14, 2020.
Sa ikalawang araw sa pagkaka-hospital, ang pasyente ay hirap na sa paghinga dahilang kinunan ng Specimen at nakumpirmang ito ay positibo sa COVID-19 base sa RT-PCR laboratory result.
Ang nasabing pasyente ay walay travel history sa labas ng Butuan City at hindi rin na-exposed sa confirmed, probable o suspect COVID-19 case dahilang ito ay kaso ng local transmission.
Ang final diagnosis sa kaso ay Acute Respiratory Syndrome, Community Acquired Pneumonia High Risk, COVID-19 positive confirmed, Septic Shock. Ang labi nito ay ililibing sa loob ng 12 oras. Nagpaabot naman ng pakikiramay sa naiwang pamilya si Regional Director Jose R. Llacuna, Jr.
Sa ngayon, ang DOH Caraga ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Local Contact Tracing Team at concerned health facility para kompletong matukoy ang close contacts sa kaso, mamonitor ang kanilang kalusugan at mapailalim sa quarantine procedures.
Dagdag pa sa opisyal na ginawa na ang swabbing sa close contacts nito.