Inilatag na ng United Kingdom na siyang host ng ginaganap na UN climate change summit sa Glasgow, Scotland ang unang draft ng kasunduan na nanghihikayat sa mga bansa na palakasin ang kanilang national climate plans sa katapusan ng taong 2022.
Nakasentro ang pitong pahinang draft agreement o tinawag na “cover decision” para matulungan ang mga bansa sa pagtugon sa epekto ng climate change at pagdating sa financial needs ng mahihirap na bansa.
Sa naturang dokumento na naglalaman ng mahahalagang hakbang para sa paglalagay ng cap sa pagtaas ng temperatura at mahikayat ang mga bansa na umaksiyon na at ihinto para mawakasan ang heat emmissions.
Umaapela rin sa mga bansa ang UN para sa pag-phase out ng coal power at subsidies ng fossil fuels.
Hinihikayat din ang mga developing countries para sa kanilang financial support para tumulong sa pagtugon sa impact ng climate change.
Tatalakayin ng mga diplomats mula sa 200 mga bansa ang pinal na nilalaman ng naturang kasunduan na kanilang lalagdan sa pagtatapos ng summit sa darating na November 12.