-- Advertisements --

Itatayo ang unang economic zone sa loob ng prison reservations ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan ay mayroong mahigit 45,000 ektarya ng lupain na nahahati sa apat na zone o distrito.

Itinayo ito noong unang bahagi ng 1900.

Ayon sa BuCor, ang pagtatayo ng economic zone, ay nakapaloob sa memorandum of agreement (MOU) na nilagdaan ng BuCor at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) noong Martes, Enero 30.

Ang kasunduang ito ay tutukuyin ang mga lugar sa loob ng mga penal colonies na may potensyal na maging economic zone, na nakatuon sa Palawan upang maging isang agrikultural at economic zone.

Sa ilalim ng partnership sa pagitan ng BuCor at PEZA, sinabi ng DOJ na ang idle lands ng BuCor na dating maliit o walang pakinabang ay mapakinabangan na ngayon para makagawa ng economic at agricultural output na may malaking kontribusyon sa food security ng bansa.

Ang MOU ay nilagdaan ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at PEZA Director General Tereso O. Panga sa mga pangunahing tanggapan ng PEZA sa Pasay City.

Bago ang BuCor-PEZA MOU, nilagdaan ng DOJ at Department of Agriculture (DA) noong Hulyo noong nakaraang taon ang isang memorandum of agreement (MOA) sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project.