Naibenta sa halagang $190, 372.80 o katumbas ng mahigit P9.5 milyon ang unang edisyon at hindi pa nabubuksan na 4GB model ng Iphone.
Ayon sa LCG Auctions, na mayroong 28 bids ang kanilang nakuha at ito ay naibenta ng halos 400 na beses mula sa kaniyang orihinal na presyo.
Ang nasabing Iphone model ay siyang unang edition na itinuturing na “Holy Grail” ng mga collector ng Iphone.
Orihinal na presyo nito ay nasa $599 at inaasahan nila na maabot lamang sa presyo ng hanggang $100,000 subalit ito ay nahigitan pa.
Unang inilabas ang telopono noong 2007 ng mismon Apple CEO na si Steve Jobs.
Itinigil nila ang pagbebenta ng 4GB model matapos ang dalawang buwan dahil sa mahinang benta kung saan mas pinili ng mga mamimili ang 8GB model na magbibigay ng mas maraming storage at mas mahal lamang ng $100.