Dalawa sa apat na items na nakapaloob sa agenda sa unang full cabinet meeting ngayong 2025 ang natalakay. Ito ay dahil sa kakulangan ng oras.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na umaabot sa 16 na flagship projects o malalaking proyekong pang imprastraktura sa ilalim ng Dept of Transportation ang tinalakay sa full cabinet meeting ngayong araw.
Ayon naman kay DOTr Secretary Jaime Bautista, kabilang sa mga proyektong ito na kailangan na aniyang maipatupad bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos jr ay ang north south commuter railway project na magsisimula sa Clark International Airport hanggang Calamba, Laguna.
Sinabi ni Bautista, kabilang din sa mga proyektong ito ay ang mrt 4 at mrt 7, gayundin ang lrt line 1 extension project.
Kasama rin sa prioridad na maipatupad ay ang Cebu international container port terminal, PNR south haul project, at Mindanao railway project.
Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng ahensiya, tiniyak ni bautista na nagpapatupad na sila ng mga hakbang para makausad ang mga proyekto at matiyak na maipatutupad ang mga ito bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos.
Nilinaw din ni Bautista na hindi sakop sa election ban ang mga proyekto ng DOTr dahil ito ay long term projects.
Kumpiyansa naman ang kalihim na matatapos ang mga proyekto ng sa gayon bago bumaba sa pwesto ang Pangulo operational na ang mga ito.