-- Advertisements --

Naging maayos ang unang gabi ni Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jayrex Bustinera, na walang anumang negatibo o masamang pangyayari sa kaniyang pananatili doon.

Bilang standard health protocol ay mananatili si Quiboloy ng 14 na araw sa quarantine cell.

Matapos ang pananatili sa quarantine cellay ililipat na siya sa regular na kulungan kasama ang nasa 30 na inmates.

Pagtitiyak naman ni Bustinera na walang VIP treatment sa mga selda nila.

Magugunitang inilipat si Quiboloy sa Pasig City jail mula sa PNP Custodila center.

Ang Kingdom of Jesus Christ founder ay nahaharap sa mga kasong qualified human trafficking at sexual abuse na isinampa sa mga korte ng Pasig at Quezon City.