Unang gintong medalya ng Rehiyon 1 sa Palarong Pambansa, nakamit ng atleta mula sa Laoag City sa Discus Throw
Unread post by bombolaoag » Thu Jul 11, 2024 10:24 pm
Unang gintong medalya ng Rehiyon 1 sa Palarong Pambansa, nakamit ng atleta mula sa Laoag City sa Discus Throw
LAOAG CITY – Hindi lubos akalain ni Ariana Dawn Rabi mula sa lungsod ng Laoag na siya ang makakakuha ng unang gintong medalya ng Rehiyon Uno sa Discus Throw sa Palarong Pambansa 2024 na ginaganap sa Cebu City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Rabi, ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa Palarong Pambansa at siya pa ang unang nakakamit ng gintong medalya.
Nabatid na si Rabi ay nagsimulang maging atleta dalawang taon pa lamang ang nakararaan kaya’t masayang-masaya siya sa karalangang binigay niya sa Rehiyon.
Samantala, emosyonal naman ang ina nito na si Mrs. Diomely Rabi nang malaman niya mula sa coach ng kanyang anak na nakakuha ng gold medal.
Hindi rin napigilang maluha ni Alrielle Daine Rabi na siya ang itinuturing na inspirasyon ng kanyang kapatid at lahat ng kanyang paalala sa kanya ay isa sa baon niya sa pagsali sa Palarong Pambansa.
Sa Sabado naman ay makikilahok si Ariana sa Shot put event at inaasahan nito na maganda ang resulta nito.