GENERAL SANTOS CITY – Nalagay kaagad sa isolation facility ang 58 taong gulang na lalaki na residente nitong lungsod na unang kaso ng B.1.1.7 u bagong COVID variant matapos lumabas kahapon ang resulta mula sa University of the Philippines – Philippine Genome Center.
Mismong si Gensan Mayor Ronnel Rivera ang nagkumpirma na isang APOR o Authorized Person Outside of Residence ang lalaki na tatlong linggo ng nakauwi dito sa lungsod mula sa National Capital region.
Dagdag ng Mayor na wala namang dapat katakutan dahil natapos na ang quarantine sa pasyente kasama sa kanyang pamilya ng lumabas ang resulta.
Natapos na din ang contact tracing mula a first level hanggang third level sa lahat ng nakasalamuha nito .
Nalaman na nagka close contact umano ang pasyente sa COVID patient duon sa NCR na posebling pinagmulan ng virus.