-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Kinumpira ng Gobernador na patay na bago pa man mailabas ang resulta ng Covid test ng kauna unahang kaso ng codid 19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Carlos Padilla ng na ang nagpositibo sa COVID 19 ay isang 65 anyos na lalaki, residente ng Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Sinabi ng Gobernador na ang pasyante ay dinala sa ospital dahil sa pneumonia ngunit binawian ng buhay noong March 19, 2020.

Isinailalim naman sa COVID 19 test ang nasabing pasyente at lumabas ang resulta na positive sa nasabing virus.

Ayon sa Gobernador walang travel history sa labas ng bansa ang nasabing lalaki subalit nagtungo siya sa lamay ng kanyang kamag-anak sa bayan din ng Solano at karamihang nakilamay na mga kaanak ay galing sa ibang mga bansa.

Samantala, dahil dito sinabi ni Gov. Padilla na magsasagawa sila ng pagpupulong ang Provincial Task Force COVID 19 kasama ang DOH upang malaman nila ang mga dapat na gawin makaraang magtala sila ng positibo sa COVID 19.

Sa ngayon ay kinakailangan nilang magsagawa ng contact tracing upang malaman ang mga nakasalamuha.