-- Advertisements --

Nakapagtala ang Pilipinas ng kauna-unahang kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant o mas kilala sa tawag na Kappa variant ng WHO.

Ayon kay Health USec. Maria Rosario Vergeire na ang naturang variant ay dating variant of interest subalit naiuri ito bilang variant under monitoring noong September 20 ng taong kasalukuyan.

Ang unang kaso ng kappa variant sa bansa ay na-detect sa isang 32 anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga na itinuturing na isang local case.

Napag-alaman na ang pasyente ay nakaranas ng mild disease na kalaunan naman ay nakarekober na sa sakit.

Pagtitiyak naman ni Vergeire na kasalukuyang nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang regional epidemiology and Surveillance unit ng DOH para sa karagdagang impormasiyon hinggil sa naturang kaso at istriktong masusubaybayan ang naturang kaso gayon na rin a ang komunidad.

Unang na-detect ang Kappa variant sa bansang India noon Oktubre 2020.