-- Advertisements --

Nakatuklas ang mga otoridad ng Madrid, Spain ng lokal na transmission ng Omicron variant ng COVID-19.

Ito ang kauna-unahang kaso ng domestic transmission at ikaapat na kumpirmadong kaso na umiikot sa nasabing bansa.

Nakatanggap umano na ng dalawang doses ng AstraZeneca vaccine ang 62-anyos na lalaki na nagpositibo sa Omicron at hindi ito nagtungo sa ibang bansa.

Wala rin aniya itong kasaysayan na nakasalamuha ang ibang tao na galing sa ibang bansa.

Nakaranas ito ng mild symptoms mula pa noong Nobyembre 29 at naka-isolate na.