-- Advertisements --

Kinumpirma ng health authorities sa Guinea ng unang fatality sa tinatawag na Marburg virus na ikinokonsiderang highly infectious hemorrhagic fever na pareho sa Ebola virus ayon sa WHO.

Unang naitala ng Guinea ang bagong kaso ng Marburg virus noong nakaraang linggo dalawang buwan lamang ang nakalilipas mula ng ideklara itong Ebola free kung saan nasa 12 katao ang nasawi sa naturang sakit.

Ayon kay WHO Regional Director for Africa Matshidiso Moeti, nakikipagugnayan na aniya sila sa mga health authorities upang maimplementa ang agarang pagtugon sa naturang virus na naipapasa sa parehong paraan gaya ng ebola virus.

Nadetect ang kaso ng Marburg at ebola cases sa isang distrito sa Guinea malapit sa borders ng Liberia at Ivory coast.

Ayon sa WHO, naipapasa ang sakit sa pamamagitan ng pagkakaron ng contact sa infected body fluids at tissue. Ilan sa mga sintomas ng sakit ay pananakit ng ulo, pagsusuka ng dugo, muscle pains at bleeding.

Nakapagtala na ng 12 major outbreaks ng Marburg virus mula noong taong 1967 na kadalasan ay naiulat sa southern at eastern Africa.