DAVAO CITY – Nilinaw ng Department of Health XI na hindi dapat ikabahala ng publiko ang pinakaunang kaso ng Meningococcemia sa rehiyon ng Dabaw.
Ito matapos kinumpirma ng DOH XI na Meningococcemia nga ang ikinamatay ng apat na taong gulang na batang lalaki noong Biyernes.
Ito ang pinaka-unang kaso ng nasabing sakit sa rehiyon ng Dabaw ayon sa mga health officials.
Gayunman, siniguro ng mga opisyal na walang dapat ikatakot ang publiko dahil nabigyan na ng post-exposure prophylaxis o PEP ang mga nagkaroon ng direct contact sa nasabing biktima.
Kung maalala, agad na binigyan ng Post-Exposure Prophylaxis ang mga miyembro ng pamilya ng biktima, mga kaklase ng bata, guro at ang mga attending staff sa emergency room kung saan naka-confine ang bata.
Kwento ni Dr. Jack Estuart, attending physician ng biktima na dinala ang bata sa ospital bandang alas 10 ng umaga at nakitaan na ito ng manifesto sa sintomas ng sakit.
Dagdag pa nito na habang ina-admit ang bata, meron itong mataas na lagnat at nagsusuka na at di kalaunan ay namatay ito alas 3 ng hapon sa kaparehong araw.
Dahil ditto, agad na isinagawa ng mga doktor ang protocol na protektahan ang mga taong nakapalibot sa biktima.
Ipinaliwang din ni Dr. Annabelle Yumang, Regional Director ng Department of Health – Davao Region, na ang bacteria na sanhi ng sakit na meningococcal ay hindi agad nakukuha.