-- Advertisements --
Nakapagtala ng unang kaso ng mpox ang summer capital of the Philippines na Baguio city.
Ayon sa Health Services Office ng siyudad, isang 28 anyos na lalaki ang dinapuan ng sakit.
Ang uri ng mpox na nadetect sa pasyente ay ang Clade II, mild na uri ng mpox virus.
Nakumpleto naman na ng pasyente ang isolation at idineklarang gumaling na mula sa sakit noong Enero 17.
Kaugnay nito, nagpaalala si Baguio city Mayor Benjamin Magalong sa publiko na obserbahan ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at obserbahan ang physical distancing at maayos na bentilasyon.