KALIBO, Aklan —- Naitala ng Aklan ang kauna-unahang kaso nito ng omicron variant ng COVID-19.
Batay sa opisyal na pahayag ng Provincial Health Office, nakita ang bago at mas nakakahawang variant sa isang 42 anyos na babae na residente ng Batan, Aklan.
Noong Enero 25, 2022 ay natanggap ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ang resulta mula sa Department of Health-Region 6.
Sinasabing ang naturang babae ay nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19, ngunit fully vaccinated.
Kinuhaan siya ng swab specimen noong nakaraang Disyembre 26, 2021 at ipinadala sa molecular laboratory ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital.
Kaagad na ipinadala ang resulta ng DOH-6 sa Philippine Genome Center noong Enero 7 para sa whole genome sequencing.
Ang pasyente ay sumailalim sa 14 araw na strict home quarantine at magaling na ngayon.
Kaugnay nito, hinikayat ni Dr. Cornelio Cuatchon, Jr. ng PHO Aklan ang publiko na upang maprotektahan sa anumang variant ng deadly virus ay mas mabuting magpabakuna at magpa-booster shots at mahigpit na sumunod sa minimum public health standards.