-- Advertisements --

Nakapagtala na ang Spain ng unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa gobyerno ng Spain nanggaling ang isang 51-anyos na lalaki sa South Africa.

Nadiskubre lamang ito ng sumailalim sa testing pagdating sa Madrid airport.

Mayroong bahagyang sintomas ito na agad namang naka-quarantine na.

Magugunitang maraming bansa ang nagpatupad ng travel restrictions dahil sa Omicron variant na itinuturing ng World Health Organization bilang “variant of concern”.