-- Advertisements --

Na-detect sa Syudad ng Deir al-Balah sa Gaza Strip ang pinakaunang kaso ng polio sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas

Ang biktima ay isang 10 buwang gulang na sanggol.

Ayon sa Palestinian health ministry, hindi pa nakatanggap ng polio vaccine ang sanggol at nagiging pahirapan ang panggagamot sa kanya.

Una na ring nagsagawa ng medical test sa bata at nagpositibo siya sa naturang impekson.

Nitong nakalipas na buwan, unang nagpositibo sa poliovirus ang mga wastewater sample sa Gaza.