-- Advertisements --

Binawian na ng buhay ang kauna-unahang tao na nakatanggap ng transplant sa puso ng baboy.

Kinumpirma ito ng University of Maryland Medical System, ang mismong ospital na nagsagawa ng naturang procedure.

Mahigit dalawang buwan makalipas ang makasaysayang operasyon ay pumanaw na si David Bennett, 57, na sumailalim sa isang groundbreaking operation kung saan puso ng baboy ang ginamit para sa kanyang heart transplant operation.

Sa isang statement ay nagpahayag naman ng pasasalamat sa nasabing ospital ang anak nito na si David Bennett Jr., para sa pag-alaga nito sa kanyang ama.

Sa ngayon ay hindi pa sinasabi ng nasabing pagamutan ang dahilan ng pagkamatay ng naturang pasyente ngunit pinaplano anilang ihayag ang kanilang mga natuklasan hinggil dito sa pamamagitan ng isang scientific journal.