BACOLOD CITY – Aminado ang opisyal ng Negros Occidental na kailangan ng verification ang mga report mula sa Philippine Genome Center kaugnay ng isinasagawang genome sequencing sa variant ng coronavirus.
Ito ay matapos magnegatibo ang resulta ng repeat test sa 35-anyos na ina sa Valladolid na unang napaulat noong Lunes na positibo sa Lambda variant, na siya ring unang kaso ng mas nakakahawang variant ng coronavirus sa Pilipinas.
Ayon kay Diaz, sumailalim ulit sa swab test ang naturang babae at ang kanyang baby boy noong Lunes, na ipinadala naman sa Valladolid Molecular Laboratory.
Kahapon, lumabas ang resulta ng COVID test at kapwa negatibo ang ina at ang anak nito sa virus.
Ayon sa provincial administrator, kailangan munang iverify ang mga report mula sa Philippine Genome Center bago ito tanggapin dahil hindi mawawala ang posilibidad na may mga error sa mga impormasyon na kanilang inilalabas.
Dahil sa resulta aniya ng repeat test ay nagpapakita lamang na walang Lambda variant sa Negros Occidental.