-- Advertisements --
Mula sa 6,955 kahapon, tumaas sa 7,228 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,269,478, ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 7,372 na bagong recoveries kung saan nasa 1,188,243 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 21,898 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 166.