-- Advertisements --
Mula sa 941 kahapon, bahagyang bumaba sa 870 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 3,667,542 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 1,433 na bagong recoveries kung saan nasa 3,561,726 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 57,023 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng 144.