-- Advertisements --
Naging matagumpay ang paglapag ng international flight sa Syria.
Lumapag ang Qatar Airways sa Damascus International Airport nitong Martes kung saan binati ng mga nag-aabang na mga kaibigan at kaanak ng mga pasahero na nasa terminal building.
Karamihan sa mga pasahero ay mga Syrian national na bumalik sa bansa mula ng sumiklab ang gulo noong 2011.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroong ng international flight matapos ang pag-alis sa puwesto ni Bashar al-Assad.