-- Advertisements --

Itinakda sa Nobyembre o Disyembre ang unang pagsabak sa NBA G League nina Filipino-American player Jalen Green at Pinoy center na si Kai Sotto.

Desidido kasi ang G League na magsagawa ng bubble format tournament sa Nobyembre o Disyembre.

Bukod sa dalawa ay babantayan din ang unang pagsabak ng mga NBA prospect players na sina onathan Kuminga, Isaiah Todd, Daishen Nix at Princepal Singh.

Ang nabanggit na mga manlalaro ay nag-eensayo na sa California.

Magugunitang target ng 18-anyos na 7-foot-2 na si Sotto na maging kauna-unahang Filipino na maglaro sa NBA.