-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Inaasahan ang libo-libong katao na dadalo sa pinaka-unang public appearance ng bagong Emperor at Empress ng Japan sa Mayo 4.

Noong martes, kinilala si Crown Prince Naruhito bilang ika-126th Emperor at ng kanyang asawa na si Princess Masako bilang bagong Empress ng Japan.

Ayon kay Bombo Correspondent Josel Palma, inaabangan na ngayon ng lahat ang paglabas ng dalawa ng anim na beses sa loob ng isang araw sa balcony ng Imperial Palace sa Chiyoda ward sa Tokyo upang humarap sa mga tao bilang bahagi ng tradisyon.

Sa ginawang sermonya kahapon sa state room ng Imperial Palace, ibinigay kay Emperor Naruhito ang tatlong “sacred secrets” kabilang na ang isang espada, mga alahas, at salamin.

Ang seremonyang ito ay sinaksihan ng 300 na mahahalagang tao kabilang na si Prime Minister Shinzo Abe.

Samantala, Oktubre 22 ngayong taon ang actual enthronment ni Emperor Naruhito.

Sa pag-upo bilang bagong Emperador, nag-umpisa na rin ang Reiwa Era o “Beautiful Harmony” bilang kapalit nang natapos nang Heisie Era o “peace accomplishments” ni Emperor Emeritus Akihito.