-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Patuloy na mino-monitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang isang Pinay overseas eorker na itinuturing na person under investigation (PUI) kung totoong nahawaan ng novel coronavirus infection.
Kinumpirma ngayong araw ni Dr. Rio Magpantay, regional director ng DOH RO2 na kauna-unahang maituturing bilang PUI ang 29-anyos na OFW mula Hong Kong na umuwi sa Pilipinas noong January 24.
Gayunman, binigyang diin ni Magpantay na hindi pa kumpirmado kung may nCoV ang naturang OFW na nasa isolation facility ng CVMC at bumubuti na rin ang kalagayan nito.
Sinabi pa niya na naipadala na sa Research Institute for Tropical Medicine ang mga samples o specimen na kinuha sa pasyente.