-- Advertisements --
Naging matagumpay ang unang laro ni Troy Rosario sa Barangay Ginebra matapos talunin nila ang NLEX 109-100 sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup.
Bumida sa panalo ng Gins si Stephen Holt na nagtala ng 26 points habnag mayroong siyam na puntos at pitong rebounds si Rosario.
Mayroon namang 24 points at 12 rebounds si Justin Brownlee habang mayroong 15 points si Japeth Aguilar para Ginebra.
Hindi naman umubra ang nagawang 27 points, 21 rebounds ni Mike Griffin-Watkins at 18 points ni Robert Bolick para sa NLEX.