Dumating na sa bansa ang isang shipment ng COVID-19 antiviral pill ng Merck na Molnupiravir sa pamamagitan ng isang lokal na pharmaceutical firm, habang ang gamot ay naghihintay ng pag-apruba ng regulasyon sa bansa.
Sinabi ng Philippine pharmaceutical firm na Faberco Life Sciences na itinalaga itong ipamahagi ang Molnupiravir sa Pilipinas sa pamamagitan ng isa sa mga Merck’s manufacturing licenses.
Ang tableta ay investigational drug na ginagamit para sa paggamot sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Faberco na pinili nila ang RiteMed Philippines, Inc. para ipamahagi ang investigational drug sa mga pribadong ospital at institusyong medikal na nakakuha ng compassionate use mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Nauna nang nagbigay ang FDA ng compassionate use permit para sa Molnupiravir sa 31 ospital sa Pilipinas.
Ang gamot ay hindi pa available sa komersyo, ngunit ang Merck, ang American firm na bumuo nito ay naghain na ng emergency use authorization (EUA) sa bansa noong nakaraang linggo.
Ang nasabing gamot ay nagkakahalaga sa P100 hanggang P150 pesos.