-- Advertisements --
Pinatikim ni reality TV star Tommy Fury ang unang pagkatalo ni YouTuber Jake Paul bilang pro boxer.
Nakuha ni Fury ang split decision na panalo sa laban na ginanap sa Diriyah Arena sa Saudi Arabia.
Ayon sa 23-anyos na si Fury na talagang pinaghandaan niya ang nasabing laban dahil ito ang unang world title fight niya.
Si Fury na nakakabatang kapatid ng British boxing champion na si Tyson Fury ay mayroong siyam na panalo at wala pa ng talo habang ang 26-anyos na American YouTube star na si Paul ay mayroong anim na panalo at isang talo.