-- Advertisements --
image 344

Matapos makitaan ng problema ang naunang trade deal sa pagitan ng Boston Celtics, LAC, at Washington Wizards, hindi na ito ipinagpatuloy ng tatlong koponan.

Magugunitang sa unang trade proposal ay mapupunta sana si Washington Wizards Center Kristaps Porzingis sa Boston Celtics. Bilang kapalit, si Boston Guard Malcolm Brogdon ay kukunin naman ng Los Angeles Clippers.

Para sa Wizards, mapupunta sana sa kanila ang ilang mga batikang NBA players na sina Marcus Morris, Amir Coffey, at Danilo Gallinari. Maliban dito, mapupunta rin sa Wizards ang karapatan para sa 30th overall pick ngayong NBA Draft 2023.

Lumalabas kasi na may problema sa medical record ni Brogdon, kayat tinanggihan na ng Clippers ang nasabing deal.

Gayonpaman, ipinagpatuloy pa rin ng Boston na makuha si Porzingis, kapalit ang isa sa kanilang pangunahing star player.

Batay sa pinakahuling report ng ESPN, si Porzingis, kasama ang dalawang future draft pick, ay mapupunta sa Boston.

Kapalit ni Porzingis ay mapupunta naman si Boston defensive specialist Marcus Smart sa Memphis Grizzlies.

Para sa Wizards, mapupunta sa kanila ang Point Guard ng Memphis na si Tyus Jones. Kasama nito ang shooter na sina Danilo Gallinarim, Mike Muscala, at ang karapatan para sa no.35 overall pick.