Kinumpirma ng Department of Budget and Management na matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa kanilang sweldo sa loob ng taong ito.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na hinihintay lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.
Sinabi ng DBM, mayroong P36 bilyong alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng personnel services expenditures sa ilalim ng fiscal year 2024 general appropriations act o GAA.
Ayon kay Pangandaman, retroactive ang salary adjustment ng government employees mula enero ng taong ito, pero hindi pa sinabi kung magkano ang itataas sa sweldo.
Samantala para sa susunod na taon, naglaan aniya ng P70 bilyong piso para sa susunod na tranche ng salary adjustment sa mga kawani ng gobyerno kasama na rito ang taas sweldo para sa mga guro.
Maliban sa dagdag sweldo, mayroon ding aasahang pitong libong pisong medical allowance in cash na matatanggap ang mga empleado ng pamahalaan sa susunod na taon.
Ayon kay pangandaman, P9.6 bilyong piso ang inilaan nilang alokasyon para rito.