-- Advertisements --

Naibenta ni Twitter owner Jack Dorsey ang kaniyang unang tweets sa halagang $2.9 milyon bilang non-fungible token (NFT).

Ang NFT ay isang kakaibang uri ng digital asset na sumikat ngayong 2021.

Bawat NFT ay mayroong sariling blockchain-based digital signature na nagsisilbing public ledger na nagbibigay karapatan sa lahat na beripikahin ang authenticity and ownership ng may-ari ng asset.

Unang tweet ni Dorsey ay “Just setting up my twttr” na ginawa niya noong March 21, 2006.

Ibinenta ang NFT sa pamamagitan ng auction mula sa US -based company na Cent.

Nabili ito sa pamamagitan ng cryptocurrency ng buyer na si Sina Estavi na nakabase sa Malaysia.