-- Advertisements --

Naibulsa ng unbeaten Pinoy boxer na si Dave Apolinario ang bakanteng IBO flyweight title matapos na ma-knock out si Gideon Buthelezi sa ginanap na laban doon sa International Convention Centre sa East London, South Africa.

Isang malakas na left straight ang pinakawalan ng 23-anyos na si Apolinario na taga-Sarangani na siyang nagpabagsak sa karibal na South African boxer sa first round pa lamang.

Sa ngayon gumanda pa ang record ni Apolinario sa perfect record na 17-0 kung saan 12 dito ay via knockouts.

Si Buthelezi naman ay nabahiran pa ang record sa 23-6 na may 5 knockouts.