BUTUAN CITY – Ipinagmamalaki ngayon ng buong Pilipinas lalo na sa lalawigan ng Agusan del Sur ang pagpabagsak ng rising boxer sa bansa na si Jayson “The Striker” Vayson matapos nitong talunin ang undefeated na kapatid ng sikat na Japanese boxer na si Naoya Inoue na si Takeru Inoue matapos
ang kanilang matinding agawan sa regional boxing title nitong Linggo ng gabi sa Sumiyoshi Ward Center sa Osaka, Japan.
Ginulantang ni Jayson “The Striker” Vayson ang hometown bet na si up-and-coming Japanese prospect Takeru Inoue nang mahigitan ito sa pamamagitan ng 10-round unanimous decision para sa World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific light-flyweight crown.
Si Vayson, 25-anyos, na taga-Barangay Sinobong, Veruela, Agusan del Sur, ay syang nagmantsa sa record ni Inoue dahil sa una nitong pagkatalo sa limang laban, kasama ang dalawang knockout, na pare-parehong ginaganap sa naturang lugar.
Naging ma-init ang bakbakan ng suntok ng dalawa hanggang sa 10th at final round kungsaan umalingawnaw ang lakas ng AgSurnon na si Vayson at nadepensahan ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific Light Flyweight title sa pamamagitan ng unanimous decision sa iskor na 96-94 , 96-94, ug 97-93.
Ang kanyang pagkapanalo ay nag-iingay sa boxing community dahil nakita ngayon si Vayson na bagong pag-asa sa muling pagsikat naman ngayon ng mga Pinoy xoxers sa international stage.
Isang malaking karangalan sa Pilipinas lalo na sa probinsya ng Agusan del Sur si Vayson na syang kasalukuyang No. 3 sa International Boxing Federation’s (IBF) light flyweight division, No. 8 din sa WBO at No. 10 sa World Boxing Association (WBA).