-- Advertisements --

Tinawag ni undefeated at undisputed Japanese boxer Naoya Inoue ang pinatumbang si Marlon Tapales bilang ‘tough opponent’.

Maalalang sa naging laban ng dalawang boksingero kagabi ay pinatulog ni Inoue ang Pinoy boxer na si Tapales sa ika-sampung round ng laban.

Pero sa naging panayam kay Inoue, walang pag-aatubiling tinawag nito si Tapales bilang isang ‘tough opponent’ at pinasalamatan ang kapwa boksingero sa magandang laban na ipinakita.

Sinabi rin ni Inoue na siya ay ‘relieved’ sa maagang pagtatapos ng naturang laban.

Aniya, natutuwa siyang naipanalo ang naturang laban kontra sa isang malakas ay tigasing boksingero.

Hindi aniya niya nakitaan ng fatigue o anumang damage ang nakalabang si Tapales at nagulat na lamang siya nang ma-knockout siya sa ika-sampung round.

Kasunod ng naging laban ng dalawa, hawak na ni Inoue ang undefeated 26 fights, habang 23 knockouts na rin ang kanyang nagawa mula sa naturang professional record.

Para kay Tapales, hawak na nito ang 41 professional fights kung saan 37 dito ang nagawa niyang maipanalo. Labingsiyam sa mga ito ay nagawa sa pamamagitan ng knockout.