LOS ANGELES – Sa darating na Nobyembre 2, magaganap ang Alvarez-Kovalev sa MGM Grand, Las Vegas.
Bukod dito, inaasahan din ang bakbakan sa undercard na co-main event, kung saan matutunghayan ang pasikat na Pinoy boxer na si Romero Duno (21-1) at haharapin ang Mexican-American boxer na si Ryan Garcia (18-0).
Sa isang Instagram post ni Duno, kasama ang ilang Pinoy boxers, makikita na kasama rin nito sa training ang kontrobersilal na athletics coach na si Angel “Memo” Heredia Hernandez.
Ayon kay Hernandez, nakikitaan niya ng malaking potensyal itong si Duno.
Kaya naman nais nitong mas palakasin ang endurance at mas pabilisin ang Pinoy boxer.
“Ryan is a good fighter. My respect to him. He is a good kid and has a good future in boxing. He has shown good charisma and the people like him. I think it will be a good fight on the undercard,” dagdag pa ni Garcia
Si Hernandez ay kilala bilang isang strength and conditioning coach ng mga discus throw at track and field athletes.
Natulungan din nito ang ilang mga sikat na boksingero katulad ni Juan Manuel Marquez at Jorge Arce, na parehas na nanalo ng world titles.
Tinutulungan din nito sa pagsasanay ang Mexican superstar na si Saul “Canelo” Alvarez at si Ryan Garcia sa pamamagitan ng pakikipag-sparring dito.